- Noong ako ang estudyante, kapag may daraang teachers, talagang tumatabi kami para makaraan ang guro. Kung marami siyang bitbit, nag-uunahan kami sa pagtulong sa kanya. Lahat ng teachers sa paaralan kilala namin kahit hindi nmain sila guro sa aming mga subjects at kahit sa ibang year level pa sila. Pag dumaraan ang prinsipal sa aming klasrum, halos pigilin namin ang aming hininga..sana walang mapansing kalat..sana di kami mapagsabihang magulo o maingay.
May mga pagkakataong maraming projects kaya nagtitipid kami. Lalakarin na lang namin papasok-at pauwi para amy pambayad sa projects. Yung iba naming kaklase madiskarte-nagtitinda ng yema! Ang mga projects namin, pagandahan talaga! Hindi uso ang computer kaya yung creativity ng estudyante ang nakikita. Bawal malukot o marumihan ang prpject dahil sobrang pinagpaguran ito. At kapag gusto at paborito mo ang projetc, talagang pagandahan kami sa project.
Maliit lang ang library sa paaralan at sa munisipyo pero nabibisita namin. Lalo na kapag ang mga assignment ay sa Araling Panlipunan, Science at English.
Mahilig na rin kaming sumali sa mga kontes noon. Ang kagandahan niyon, kahit first year kami, ang mga higher levels tumutulong sa amin pag nagpa-praktis. Pero magkakalaban kami sa oras ng laban. Pagkatapo nun, bati-bati na uli. Masayang sumali sa mga kontes kasi ang mga teachers namin sobrang supportive. Kahit na nagdududa kami sa aming kakayahan, ang galing nilang mag-boost ng self-esteem.
Iba-iba ang kontes..may patalinuhan, pagandahan at palakasan. Sa patalinuhan kabilang ang mga quiz bee, essay writing, spelling bee, poster at slogan making. Ilan sa mga hinihintay na pageant ng paaralan ang Bb. Agham at Miss UN, isama na rin ang Mr. at Miss Intrams. Sa palakasan syempre Intramurals!!!
Sikat din ang CAT noong panahon namin. Parang hinintay ng batch na makarating ng third year para makasama na sa COCC at maging opisyal ng mga kadete sa fourth year. Kagalang-galang ang mga Officers ng CAT. Kapag naka-school uniform sila, pwede mo'ng asarin o biruin pero kapag nakauniporme sila, ibang usapan na yan. Hindi dahil sa mayayabang sila kundi dahil ang karangalan ng kadete ay dala nila. Basta, mapa-lalaki at babaeng CAT Officers ay nagmimistulang ibang tao. Naglalakad pa lang sila, mararamdaman mo na na dapat mo silang sundin hindi dahil sa takot na maparusahan ka, kundi dahil sila ay karespe-respeto.
Marami nang nagbago.
Huwebes, Oktubre 27, 2011
Does love recognize age?
I am asking this after reading a paper from the exam submitted by one of my co-teacher’s student. The typical student-have-a-crush-on-his/her-teacher. It has always been like that. The younger ones develop this so called idolatry with their teachers. It was common. No one would bat an eyelash about it. Why..it’s like next to being normal. The teachers’ know it all projection, confidence, grace under pressure and the warm smile attracts attention.
If one of the students confess he/she is having a crush on his/her teacher, its nothing but normal. It’s just part of the growing up stage. Soon, he/she will get over this feeling. And will credit to experience the time spent day dreaming.
But what if it was the other way around?
Mabuhay!!!
This would be the first time I would be writing a blog..ang tulad ko'ng madaldal ay hindi kailanman mauubusan ng kwento.
Tangi ko'ng hangarin sa pagsisimulang sumulat ng blog ay makatulong sa iab..sana may matutuhan sila sa aking mga kwento. Hangad ko ring ma-entertain ang sinumang makababasa nito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)